Bebot niratrat, patay

MANILA, Philippines – Utas ang isang babae ma­­karaang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki na sakay ng isang motorsiklo habang nakatambay sa may Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Melanie Bayani, 30, dalaga, at naninirahan sa Natividad Street, Brgy. 81, ng naturang lungsod. 

Base sa ulat ng pulisya, nakaistambay ang biktima ka­sama ang tiyuhin na si Virgilio Bayani sa may kanto ng Calye Uno at B. Natividad St. dakong alas-3 ng madaling araw nang dumating ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Hindi na naisugod sa pa­gamutan ang biktima na agad na nasawi. Rumesponde na­man ang mga tauhan ng Police Community Precinct 1 ngunit bigo na mahabol at masakote ang mga salarin. Narekober sa lugar ng krimen ang apat na cartridge buhat sa isang kalibre .9mm na baril.

Ayon kay Virgilio, bago ang pagdating ng mga salarin, naikuwento ng kanyang pamangkin na nakipagtalo siya sa isang lalaki na hindi naman niya nabanggit ang pagkaka­kilanlan at dahilan ng kanilang pagta­talo.

Show comments