^

Metro

2 utas sa anti-drug operations

Ricky Tulipat at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang kalibre .38 na baril, at dalawang piraso ng sachet ng shabu ang nakuha sa isang drug personality na nasawi makaraan umano siyang manlaban sa mga otoridad sa isinasagawang buy-bust operation sa Quezon City kamakalawa.

Ayon kay PO3 Roldan Cornejo may hawak ng kaso, ang biktima ay nakilala sa isang alyas Ruel, 35-40, at residente sa Palmera St., Lower Everlasting Bgry.  Payatas A, QC.

Sa imbestigasyon, nakasagupa ng suspek ang tropa ng Police Station 6 Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG), sa pangunguna ni P/Chief Insp. Sandie Caparroso.

Nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng biktima dakong alas 7:15 ng gabi makaraang nagkunwa­ring bibili ng iligal na droga ang tropa ng SAID-SOTG sa suspek.

Subalit, sa gitna ng transaksyon ay nakatunog umano si Ruel sa presensya ng ibang operatiba sanhi upang manlaban ito hanggang sa siya ay masugatan.

Tinangka pang isugod sa East Avenue Medical Center ang suspek, subalit hindi na rin ito umabot pa ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa ulo.

Samantala sa  Maynila, nasawi ang tulak na si   Rommel Berdan, 26,  alyas “Muslim Bata”, miyembro ng Batang City Jail, at residente ng Road 10, Marcos Highway, Moriones St., Tondo sa isinagawang follow-up operation kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni SPO1 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide section, dakong alas 6:00 ng gabi nang  maganap ang insidente sa tapat ng no. 248 Sta. Fe St., Tondo.

Itinuturo umano ang suspek na pumatay sa tulad niyang ‘tulak’ na si Eugene Liporada, na naganap noong Disyembre 2, 2016 kaya tinangka siyang arestuhin.

Subalit nang makita ng suspek ang mga pulis  ay agad itong nagpaputok dahilan upang  gumanti ang mga awtoridad.

Narekober  mula sa suspek ang isang Black Widow .22 Magnum,  4 na sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with