^

Metro

44 oras water interruption sa 15 brgy. sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
44 oras water interruption sa 15 brgy. sa Quezon City
Ayon sa Maynilad Waters, ang water in­terruption ay dulot ng gagawing pagpapalit ng kompanya sa mga depektibong balbula sa kanilang 4-foot-diameter primary line sa may Tandang Sora Avenue sa Quezon City.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines - Halos dalawang araw o 44 oras na ma­wawala ang supply ng tubig sa may 300,000 customers ng Maynilad Waters sa Quezon City o may 15 barangay sa lungsod.

Ito ay ayon sa Maynilad ay mula alas-8:00 ng gabi ng December 5, araw ng Lunes hanggang sa alas-4:00 ng hapon ng December 7, araw ng Miyerkules.Ang mga apektadong lugar ay ang Brgys.    Apolonio Samson, Baesa, Bahay Toro, Bungad, Damayan,Del monte, Katipunan, Mariblo, Paltok, Paraiso, San Antonio, Sa­ngandaan,Talipapa,Tandang Sora at Vete-rans Village.

Ayon sa Maynilad Waters, ang water in­terruption ay dulot ng gagawing pagpapalit ng kompanya sa mga depektibong balbula sa kanilang 4-foot-diameter primary line sa may Tandang Sora Avenue sa Quezon City.

Humingi naman ng paumanhin ang  May­nilad sa mga apektadong lugar. May 14 na water tanker ang ikakalat ng Maynilad sa mga apektadong lugar para may magamit na suplay ang mga residente sa nabanggit na mga barangay.

MAYNILAD WATERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with