^

Metro

Impounding area sa Valenzuela nasunog

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumiklab ang isang ma­laking sunog sa impounding area sa loob ng Valenzuela City Hall compound sa Brgy. Dalandanan, Martes ng gabi.

Ayon sa guwardiyang si Mark Daube, alas-11:30 ng gabi nang makarinig siya ng pagsabog na tila pumutok na gulong.  Nang inspeksyunin niya ang pinagmulan, nakita niya na may usok at maliit na apoy na tinangka niyang apulain gamit ang fire extinguisher ngunit bigla umano itong lumaki kaagad.

Mabilis namang naka­res­ponde ang mga bumbe­ro na nasa tapat lang ng Valenzuela City Hall ngunit nahirapang agad na maa-pula ang apoy dahil sa na­susunog na mga goma ng gulong ng mga sasakyan.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog dakong alas-12:06 ng madaling araw hanggang sa ideklara ang “fire under control” dakong ala-1 na ng madaling araw.

Bukod sa mga sasakyan, tambakan din ang lugar ng mga bakal at mga tarpaulin na gamit ng city hall.

 Patuloy ang imbestigas­yon ng mga arson inves­tiga-tor sa sanhi ng sunog habang inaalam pa ang kabuuang halaga ng mga ari-ariang natupok.

vuukle comment

IMPOUNDING AREA

VALENZUELA CITY HALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with