Pacquiao-Vargas fight mapapanood ng libre sa 7 sports complex sa Maynila

MANILA, Philippines - Bilang suporta sa Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao, inihayag ni Manila Mayor Joseph Estrada na mapapanood  sa pitong sports complex sa lungsod sa araw ng Linggo ang labang Pacquiao- Vargas. Ayon kay Estrada mapapanood ng libre ng mga Manilenyo ang laban sa Del Pan Sports Complex sa  District 3, Tondo Sports Complex sa District 1, Patricia Covered Court sa District 2, Rasac Co­vered Court in District 3, Tolentino Sports Complex sa District 4, San Andres Sports Complex sa District 5 at Sarmiento Covered Court at District 6. Wala na umanong kaila­ngan pang tiket upang makapanaood ng ‘Resergence’  bagamat may special seats para sa mga senior citizens at may kapansanan. Ang nasabing proyekto ay handog ng lungsod ng Maynila at Solar Entertainment Corp.

Show comments