P7.5-M Ecstasy nasabat sa Post Office

Ipinakita ni Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon kasama ang PDEA ang may 5,000 piraso ng Ecs­tasy na tinatayang nagkakahalaga ng P7.5 milyon na nasabat sa Manila Central Post Office. Edd Gumban

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang P7.5 milyong halaga ng party drug na Ecstasy sa Manila Central Post Office.

Sa isinagawang operasyon ng BOC, umaabot sa 5,000 piraso ng Ecstasy mula Netherlands at amphetamine na naka­lagay sa tatlong package ang nakumpiska ng mga awto­ridad.

Ang tatlong package ay may mga pangalang “Don Arnold”  at dalawa sa “Martin Domingo”.

Ayon kay Deputy Commissioner BOC Arnel Alcaraz, kadalasang umoorder online and mga drug syndicate gamit ang fake identity at ‘bitcoints’ bilang pambayad.

Ang pagkakakumpiska sa mga illegal drugs ay isina­gawa ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, Port of Manila Collection District at Philippine Drug Enforcement Agency.

Sinabi ng BOC na isinasagawa na nila ang mas malalim pang pagsisiyasat upang matukoy and sinumang indibi­duwal na sangkot sa illegal activity.

Matatandaang nakakuha rin kamakailan ang BOC ng tina­tayang 2,000 piraso ng Ecstasy tablets sa Central Mail Exchange Center (CMEC) noon August 22, at 2.4 kilograms ng cocaine sa Clark International Airport noon August 28.

 

Show comments