^

Metro

Si mayor Erap ang target: Nag-amok na pulis, negatibo sa droga

Ludy Bermudo at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Negatibo o hindi drug user ang pulis na nagwala at nagpaputok ng kaniyang service firearm sa loob ng headquarters ng Manila Police District (MPD) kasabay nang pagsasabing gusto lamang umano niyang patayin si Manila Mayor Joseph Estrada.

Ito’y ang lumabas na resulta sa isinagawang drug test.

Kasalukuyang nakapiit  pa sa detention cell ng MPD-General Assignment and Investigation Section (GAIS) si PO1 Vincent Paul Solares, 23, nakatalaga sa MPD-Station 11, na isinailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office sa reklamong illegal discharge of firearm, maliscious mischief at alarm and scandal.

Sinabi naman ng bagong talagang si P/Senior Supt. Joel “Jigs” Coronel na kahit sinampahan ng patung-patong na reklamo ay handa naman silang ipagamot si Solares kung mapapatunayan na may problema ito sa pag-iisip.

Kasunod ito ng depensa ng ina ni Solares na si Aling Sally, 53, na kasalukuyang dumaranas ng stress at de­pression ang anak at katunayan aniya, na naka-schedule sana ito kahapon para sa psychiatric test sa Metropolitan Medical Center.

“Hindi  ko na siya pinapa­pasok kasi iba na ang ikini­kilos niya at hindi siya maka-tulog kaya hinihilot ko pa siya sa noo kaso noong sabihan siya na dapat mag-duty siya (sa MPD-station 11) dahil mahigpit daw ngayon, napilitang mag-uniporme at umalis siya nakamotor na hindi na­ming akalain na mangyayari ito,”ani Aling Sally.

Ilan sa mga nabanggit ng ina ni Solares ang paminsan-minsan na pagsasalita nito ng walang kausap at naririnig niya ang sinasabing “sipsip daw ako, di naman ako ganun” na parang patungkol sa pagkakatalaga niya sa MPD-Station 11 at malalim umanong nag-iisip at hindi normal ang ikinikilos.

Kuwento pa ng nakata-tan­dang kapatid na babae ni Solares, may ilang buwan na rin na madalas sabihin sa kaniya ng kapatid na “Di Ba ate hindi dapat nagsisinunga-ling, hindi ko kayang magsinungaling”, na aniya’y mula sa pagkabata ay napakatahimik at mabait si Solares.

Nabatid na naging sakris­tan sa loob ng 10 taon sa Cathedral of the Immaculate Conception  sa Tayuman St., Tondo si Solares.

Samantala, pormal nang nagharap ng reklamo ang isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bu­reau (MTPB) na si Ferdinand Oira na tinutukan ng baril at nasaktan din ng tamaan sa braso ng helmet ni PO1 Solares, sa Dimasalang St. dakong alas-2:30 ng hapon, kamakalawa.

Lumutang din ang 17-an-yos na itinago sa pangalang “Bhoy”, residente ng Sta. Mesa, Maynila na hinaltak ang damit at itinaas sa bandang dibdib at tinakot. Ang biktima ay takot na takot dahil pulis na unipormado ang gumawa sa kaniya na nakasakay ng motorsiklo sa Pureza St., Sta Mesa, bago ang pagwawala sa MPD headquarters.

Matatandaang alas- 3:15 ng hapon (Linggo) nitong Hulyo 3, nang magtungo ang suspek sa headquarters at gawin ang pagwawala.

“Gusto ko lang patayin si Erap..,”dahilan niya nang tanungin kung ano ang problema niya.

Umabot sa mahigit 20 minuto ang insidente na matapos ang habulan ay kusang sumuko ang suspek at na-disarmahan siya ng DSRU.

Samantala, matapos namang  magnegatibo sa drug test, pinasasailalim naman ni Mayor Joseph Estrada  ang nag-amok na pulis sa nuero test.

Ayon kay Estrada,  posibleng wala sa tamang pag-iisip si Solares nang kanyang gawin ang pag-aamok at  ipakita ang kanyang galit sa pamamagitan ng pagpapaputok at pagwasak sa mga larawang nakasabit  sa MPD.

“I’m not bothered at all whether he hates me or not. Maybe he is affected by my ultimatum,” ani Estrada.

Naniniwala si Estrada na ang pagwawala umano ni Solares ay bunsod din ng kanyang ipinalabas na ultimatum kamakailan laban sa mga pulis at barangay officials na sangkot sa illegal drugs.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with