^

Metro

Trapik asahan sa Metro-wide shake drill ngayon

Lordeth Bonilla at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Asahan na ang mararanasang trapik ngayong araw na ito partikular sa Edsa kaugnay sa isasagawang Metro-wide shake drill kung saan maraming mga kalsada ang pansa-mantalang isasara.

Ayon sa MMDA, eksaktong alas-9:00 ngayong umaga maririnig sa buong Kalakhang Maynila ang  lahat ng  radio at telebisyon gayundin ang sabay sabay na kalembang ng schools bells, door bells, church bells.

Ayon kay National Disaster Risk  Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director Alexander Pama, ito rin ang ikalawang shake drill na oobserbahan sa Metro Manila at iba pang mga key areas sa bansa.

Nabatid sa opisyal na ang scenario ng shake drill na mag-uumpisa bandang alas-9 ng umaga ay magkakaroon ng 7.2 magnitude ng lindol na kapag nangyari ay masusundan ng intensity 8 ground shaking .

Samantalang bunga nito ay pansamantalang isasara ang Guadalupe Bridge sa loob ng dalawang oras kung saan inaasahan ang malalang daloy ng trapiko.

Sa area ng Makati, asahan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil alas-8:30 pa lamang ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali kabilang sa mga isasara  ay ang Cardna St. (from J.P. Rizal to Osmeña), Angono St. (from J.P. Rizal to Osmeña), Hormiga St. (from Angono to Cardona), Morong St., F. Zobel St. (from J.P. Rizal to Osmeña), Zenaida St., Ma. Aurora St., at Buencamino St. 

Kung kaya’t ang sasakyang mula Manila patungong  EDSA, maari silang dumaan sa Antipolo St., kanan sa  Osmeña St., at kanan uli sa  E. Zobel.

Isasara din ang East Cloverleaf northbound sa trapiko mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas -12:00 tanghali  habang southbound segment ay mananaitling bukas.

Dahil kabilang sa mga scenario ay guguho ang tulay sa may EDSA Guadalupe.

Ang  closed road  ay magisislbing  preposition area para sa mga ambuslansiya ng Makati at  rubber boat ng  rescuers, at mga sasakayan mula  MMDA at  ibang  local governments.

Kung kaya’t pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan  sa mga  itinalagang alternate routes.

Lahat ng sasakyan sa may J.P. Rizal east bound patu-ngong  EDSA, kanan sa  San Jose St., kanan sa  Burgos St., at kanan sa EDSA. 

 Maari ring kumanan  Lawton Avenue, kanan sa Kala-yaan St., at  sa area naman ng Taguig City, sarado ang mga kalyeng malapit sa City Hall para makiisa rin sa naturang shake drill at humingi naman ng paumahin ang pamahalaang lungsod dahil sa trapik na mararanasan dito.

Sa Muntinlupa City naman kabilang sa magiging scenario na isasagawa ng pamahalaang lungsod ay ang pagguho naman ng Alabang Viaduct Bridge.

 Bukod sa lahat ng pamahalaang lungsod sa Metro Manila at mga nabanggit na mga lalawigan, nabatid na  ang lahat ng kawani ng MMDA  ay lalahok sa pagsasagawa ng “duck, cover and hold”.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with