^

Metro

Miyembro ng ‘Sputnik’ itinumba

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hang-gang sa mapatay ang isang 28-anyos na mi-yembro ng ‘Sputnik gang’ at sinasabing lumalakad ng panghoholdap ng ri-ding in tandem habang sugatan naman ng mada­may ang kakambal nito at 8- taong gulang na anak sa Balut, tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Reynaldo Antipuesto, residente ng Kaunlaran St., Balut, Tondo dahil sa tinamong bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sugatan naman ang kakambal nito na si Christian, 28, na nagta­mo ng bala sa paa at anak nitong si Christian Jr., Grade  2 pupil na tina­ma-an ng bala  sa tagiliran ng katawan. Hindi pa tu­koy ang mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo, nakasuot ng crack helmet at kapwa din nakasuot ng jacket.

Sa ulat  ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Po­lice District Homicide Section, ang insidente ay naganap dakong alas-5:30 ng umaga sa tapat ng bahay ng mga biktima.

Nabatid na kauuwi pa lamang ng biktimang si  Reynaldo at habang nasa harap ng bahay ay biglang lumutang ang riding in tandem at pinagbabaril ito.

Nagkataong papa­labas ng bahay ang ka­kambal na si Christian at anak nito nang maganap ang pamamaril kaya sila nadamay.

Iniimbestigahan pa ang motibo at kung sino ang mga suspek.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with