MANILA, Philippines - Kailangan nang madaliin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang drainage at flood control projects na ginagawa sa S.H. Loyola o Lepanto sa Maynila.
Dahil sa binubungkal na kalye, iisang linya na lang ang nadaraanan ng mga sasakyan na sanhi ng pagsisikip ng daloy ng traffic lalo kapag umaga at sa hapon kasabay ng uwian ng mga estudyante.
Bukod sa traffic peligro rin ang binubungkal na kalye sa mga pedestrian na kalimita’y mga estudyante dahil malapit ito sa mga paaralan at dormitoryo.
Ngayong mas dumami ang bilang ng mga estudyante, mas lumalaki ang panganib sa mga commuters at pedestrian.
Apektado ng DPWH project ang P. Noval hanggang Tolentino Street, gayundin ang R.Papa Street palabas ng Recto.