^

Metro

Naningil ng utang, mag-asawa binayaran ng saksak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondis­yon ang isang mag-asawa nang saksakin ang mga ito  ng kanilang kapitbahay na kanilang siningil sa utang nitong P600.00 kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

Nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Wilson Bumacod, 45, na nag­tamo ito ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan  habang sa Alabang Medical Clinic naman isinugod ang misis nitong si  Jully, 42, na sinaksak ng kutsilyo  at nagtamo ng saksak sa kanang braso.

Nakakulong naman sa Muntinlupa City Police  ang suspect na si Recei Oringot “alias Dodoy”, 21, binata, nakatira sa nasabing lugar.

Base sa ulat na isinumite ng mga imbestigador na sina SPO2 Arturo Cortez; SPO1 Ronnie Tamondong at PO3 Reynaldo Par sa tanggapan ni Sr. Supt. Nicolas Salvador, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente alas-7:30 kahapon ng umaga sa Purok 7-A Extension, Ilaya St., Brgy. Alabang ng naturang lungsod.

Bago ang pananaksak, na­batid na siningil umano ng mag-asawa ang suspect sa utang nitong P600.00, na ikinagalit ni Oringot­.

Habang magka-angkas ang mag-asawang Bumacod sa kanilang motorsiklo ay biglang hinarang sila ng suspect na armado ng kutsilyo.

Walang salitang pinagsasaksak ng suspect ang mag-asawang Bumacod, dahilan upang ang mga ito ay mabilis na isugod ng ilang residente sa Alabang Medical Clinic.

Subalit, inilipat si Wilson sa PGH dahil sa maselang kalagayan nito, samantalang ang suspect na si Oringot ay nadakip nang rumispondeng mga kagawad ng Muntinlupa City Police.

vuukle comment

IAN LARIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with