Kelot pisak sa tren

MANILA, Philippines – Basag ang ulo, pisak  ang katawan ng isang hindi pa kilalang lalaki nang masagasaan at makalad­kad ng tren sa riles ng Philippine National Railways (PNR) sa bahagi ng Pandacan, Maynila, kama­kalawa.

Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) wala pang sinumang nakikipag-ugnayang kaanak ng biktimang inilarawan sa taas na nasa 5’2 hanggang 5’4, matangkad, mara-ming tattoo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, naka­suot ng khaki na short at dilaw na t-shirt.

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga kamaka-lawa nang maganap ang insidente sa riles ng PNR sa soutbound direction sa Labores St., Pandacan.

Sa imbestigasyon, nahagip umano ang biktima habang naglalakad sa gilid ng riles sa pagdaan ng PNR train no. MCS-1035 .

Pumailalim at  nakaladkad pa ng tren ang biktima ng ilang  metro.

Show comments