Driver kritikal sa pasahero

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ang isang lolong tsuper matapos pagsasaksakin ng kanyang pasahero kahapon ng umaga sa Pasay City.

Ginagamot ngayon sa Adventist Medical Center ang biktimang si Valentine Roxas, 67, jeepney driver-operator at nakatira sa #209 G. Reyes St., ng naturang lungsod. Nag­tamo ito ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa isang patalim.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Dondon Fernandez, 39, isang canteen operator, residente ng #171 Sen. Gil Puyat Ave., Pasay City. Lumalabas sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police na naganap ang insidente alas-9 ng umaga sa harapan ng Quick Duck carwash, Sen. Gil Puyat Ave. ng naturang lungsod. Namamasada ang biktima nang pinara ito ng suspek at sumakay ito sa bandang harapan.

Biglang bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima at saka mabilis na tumakas.

Nagsasagawa pa ng im­bestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

 

Show comments