70 bus huli sa paglabag sa yellow lane

MANILA, Philippines – Umabot na sa 70 buses ang nahuli ng Metropolitan Deve­lopment Authority (MMDA) matapos lumabag ang mga ito sa yellow lane. Ito ang pinakahuling datos ng MMDA, habang  nasa 61 namang pribadong sasakyan ang nahuli  matapos na pumasok naman sa yellow lane.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, nakaka­pagtaka kung  bakit may mga bus pa rin ang lumalabas sa yellow lane dahilan upang mas maraming bus ang nahuhu­ling lumalabag dito.

Ayon kay Carlos, aalamin nila ang dahilan kung bakit luma­labas pa rin sa yellow lane ang ilang bus gayung maluwag dito at talaga lang pasaway ang mga ito.

Nabatid, na mahigpit na ipinatupad ang yellow lane sa may bahagi ng Shaw Boulevard hanggang Guadalupe simula noong nakaraang linggo.

Show comments