^

Metro

Kelot nagpasagasa sa tren

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dead on the spot ang  isang lalaki na hinihinalang problemado at sinadya ang pagpapasagasa sa tren sa Pandacan, Maynila,  kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ang hindi pa kilalang biktima sa edad na humigit kumulang sa 50, nakasuot ng t-shirt na puti at blue ang shorts, na halata umanong madungis.

Sa inisyal na report mula kay PO1 James Dabay, ng Beata Police Community Precinct (PCP) ng Manila Police District (MPD) Station 10, dakong alas- 5:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Beata St. , Pandacan, Maynila.

Sinabi umano ng mga saksi at residente sa lugar na napansin nila ang pag-upo sa riles ng Philippine National Railways (PNR) ng nasabing biktima at ilan umano ang nagtataboy dito dahil baka siya madaanan ng tren subalit nagalit pa umano ito at minumura ang nakikialam sa kaniya.

Pinagsabihan na rin ng security guard na umalis sa riles subalit nagmatigas at hindi umano natinag.

Nang magkaroon ng biyahe ay madilim sa lugar sa riles kaya hindi umano napansin ng operator ng tren ang biktima na nahagip at nakaladkad pa ng ilang metro kaya nalasog ang katawan.

Panawagan sa publiko ng MPD, kila­lanin ang bangkay ng biktima na inilagak pansamantala sa La Funeraria Rey para mabigyan ng maayos na libing.

ACIRC

ANG

BEATA POLICE COMMUNITY PRECINCT

BEATA ST.

INILARAWAN

JAMES DABAY

LA FUNERARIA REY

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PANDACAN

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with