^

Metro

‘Nasunog’ na buy-bust sinisilip sa paglikida sa 2 bebot sa Quiapo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Posibleng ang nasunog na buy-bust operation ang da­hilan para itumba ang dalawang babae na pinaghinalaang police ng isang sindikato ng iligal na droga, sa Quiapo, May­nila, kamakalawa ng hapon.

Sinabi ni PO3 Alonzo Layugan, ng Manila Police District-Homicide Section, na batay sa ilang impormasyon na nakuha sa cellphone ng mga biktimang sina Mercedita Calape, 32, tubong Davao City at Irene Quinto, 41, ng  Caloocan City, may ka-transaksiyon ang dalawang biktima na magkikita sa erya ng Quiapo, sa Maynila.

Patungo umano ang mga biktima sa isang restaurant sa panulukan ng Evangelista at Gonzalo Puyat (Raon) Sts., nang pagbabarilin sila ng hindi pa nakikilalang suspect.

 Batay sa footage ng closed circuit television (CCTV) naka-bull cap, na nakasuot ng kulay itim na t-shirt  ang bumaril habang naglalakad sa bangketa ang dalawa subalit hindi ito mamukhaan dahil nakatagilid.

Isa  pang lalaki ang nakita rin sa CCTV na mistulang inaantala ang paglalakad ng dalawa dahil nakaharang ito at hindi makadaan sa pagitan ng mga vendor at nakahambalang na mga paninda sa kalye ng Raon tapat ng Metro Tech Electronics.

Maging ang sinasabing boodle money o bungkos ng pera na nakasupot at dala ng mga biktima ay katulad din ng ginagamit sa buy-bust operation.

Ang dalawa ay kapwa binaril sa ulo alas- 5:15 ng hapon ng Huwebes sa mataong lugar sa Raon St., Quiapo kung saan dead on the spot at ang isa pa ay dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

vuukle comment

ACIRC

ALONZO LAYUGAN

ANG

CALOOCAN CITY

DAVAO CITY

GONZALO PUYAT

IRENE QUINTO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MERCEDITA CALAPE

METRO TECH ELECTRONICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with