^

Metro

Pol ads sa MRT, LRT ipagbawal

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan ang isang grupo sa Commission on Elections (Comelec) na ipagbawal ang pagla­lagay ng mga political advertisement sa mga rail system kabilang na ang Metro Rail Transit at Light Rail Transit.

Sa idinaos na public consultation kaugnay ng pagpapatupad sa Fair Elections Act, iginiit ni Elvira­ Medina ng Consumer Safety and Protection na dapat ipagbawal ang mga campaign poster o anumang pol ads sa mga rail system dahil ito ay kontrolado ng gobyerno.

Ang LRT at MRT, bagamat may isyu sa ownership na sinasabing hawak ng pribadong kompanya, ang mga ito ay pinatatakbo naman ng pamahalaan.
Bilang tugon, sinabi naman ni Commissioner Chris­tian Robert Lim na sa kanyang pananaw, dapat na ipagbawal ang paglalagay ng mga pol ads sa mga lugar na pag-aari at kontrolado ng gobyerno at kabilang na rito ang MRT at LRT, at maging ang mga paliparan.

Pero ibang usapin naman kung ang pol ads ay ilalagay sa mga pribadong terminal gaya ng mga bus terminal dahil ang mga ito ay pribadong pag-aari.

ACIRC

ANG

BILANG

COMELEC

COMMISSIONER CHRIS

CONSUMER SAFETY AND PROTECTION

FAIR ELECTIONS ACT

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

MGA

ROBERT LIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with