BDO muling pinarangalan ng mga foreign publication

MANILA, Philippines – Muling umani ng parangal ang BDO mula sa international publication na Asiamoney at Global Finance.

Nakamit ng BDO ang ilang award kabilang na ang Best Domestic Bank, Best Domestic Debt House at Best Domestic Provider of FX Products and Services in the Philippines (as voted by Corporates) sa katatapos lang na Asiamoney Summer Awards. Bukod pa rito, kinilala rin ang Bangko bilang Best Large Cap Company in the Philippines; maging si Nestor Tan, president at CEO, ay pinarangalan din bilang Best Executive in the Philippines.

Ang mga nagwagi ay pinarangalan base sa “combination of factors including innovation, financial performance and strategic execution, and also after surveying the views of regional analysts and investors.”

Samantala, pinangala­nan naman ng Global Finance ma-gazine ang World’s Best Emer­ging Markets Banks in Asia-Pacific, kasabay nito ang pagkilala sa BDO bilang Best Bank in the Philippines for 2015.

Sinala ng husto ang mga napiling best emerging markets bank mula sa rehiyon at dalawampu’t limang bansa base sa collective input mula sa industry analysts, corporate executives at banking consul-tants, at editors ng finance magazine.

 

Show comments