MANILA, Philippines – Umaabot sa 740 police commanders ang binalasa ng liderato ng PNP kaugnay ng pagsisimula ng election period para sa nalalapit na pagdaraos eleksyon sa Mayo.
Sinabi ni PNP Spokesman P/Chief Supt. Wilben Mayor ang mga binalasa na nasa 740 Police Unit Commanders ay inilipat ng destinasyon matapos na sumobra na sa 2 taon ang tour of duty ng mga ito sa kanilang tungkulin.
Ang hakbang ay upang maiwasan na maimpluwensyahan ang mga ito ng mga pulitiko partikular na ang mga kandidato sa eleksyon.
“These police commanders were re-assigned as part of the regular administrative policies of the PNP on assignment and re-assignment”, paliwanag pa ni Mayor alinsunod sa ipinatutupad na polisiya.
Sinabi ni Mayor, base sa accounting ng mga police officers na humahawak ng mga matataas na posisyon sa iba’t ibang level ng command ay sobra na sa 2 taong tour of duty and 740 PNP unit commanders kaya dapat na ang mga itong ilipat ng destino.
Kabilang sa mga ito ay 25 Provincial Directors, siyam na City Directors, 27 Commander ng Provincial Maneuver Units ng PNP 147 Chief of Police at 532 iba pang mga opisyal na humahawak ng mga sensitibong puwesto.
“The reassignment of commanders is in line with the limited rotation of personnel and part of the best practices implemented by the PNP during election period”, ang sabi pa ng opisyal.