^

Metro

Liquor ban ipatutupad sa traslacion

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipatutupad na  rin ni Manila Mayor Joseph Estrada ang liquor ban  sa Enero 9, Sabado sa pagdiriwang ng kapistahan ng Poong  Nazareno.

Nakasaad sa Executive Order no. 3 ni Estrada na kokontrolin ang pagbebenta at pag-inom ng mga nakalalasing na alak habang ipinagdiriwang ang tinaguring Manila International Pilgrimage of the Black Nazarene na nilalahukan ng mga deboto.

Bawal ang  bentahan gayundin ang  inuman ng alak sa  sidewalk, plaza at iba pang lugar sa loob ng 200 meters mula sa Minor Basilica ng Black Nazarene; imahe ng  Black  Nazarene; traslacion o prusisyon at malapit sa isinasagawang vigil na may kinalaman sa paggunita sa kapistahan.

Inaasahan na dadagsain ang traslacion mula sa pahalik nito sa Luneta hanggang sa maibalik ang Poong Nazareno sa Basilika ng Quiapo.

Una nang idineklara ni Estrada na walang pasok sa mga kolehiyo at unibersidad sa lungsod upang matiyak na  ligtas at hindi maiipit sa anumang trapiko ang mga estudyante.

ANG

BASILIKA

BAWAL

BLACK NAZARENE

ENERO

EXECUTIVE ORDER

MANILA INTERNATIONAL PILGRIMAGE OF THE BLACK NAZARENE

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MINOR BASILICA

NBSP

POONG NAZARENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with