^

Metro

Taxi driver na nanuntok ng pasahero, parurusahan ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Handang parusahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang taxi driver na nanuntok at nagmura sa kanyang pasaherong babae, kamakalawa.

Ang pahayag ay ginawa ng LTFRB nang maging viral sa FB video ang nai-post ng biktimang si Joanne Garcia hinggil sa sinapit sa kamay ng isang taxi driver.

Sa pagbusisi ng LTFRB sa insidente, sinabi ni LTFRB board member Ariel Inton na sa ginawang franchise verification at pagbusisi sa record, nalaman na ang taxi ay isang AFG taxi na pagmamay-ari ng isang Ariel F. Gamboa at ang aro­­ganteng taxi driver ay nakilalang isang Roger B. Catipay ng Sta. Ana, Manila.

Kahapon ng umaga, personal na dinala ni Gamboa si Catipay sa tanggapan ni Atty. Inton.

Bunga nito, pinagharap nito ang biktimang si Garcia, Gamboa at Catipay.

Doo’y humihingi ng pasensya ang driver na si Ca­tipay sa biktimang si Garcia pero nagdesisyon ang huli na kasuhan ang driver kaya’t dinala na ito sa pulisya para sa pormal na reklamo.

Kaugnay nito, itinakda ng LTFRB ang pagdinig ng board sa kasong ito sa January 12, 2016 ng alas-9 ng umaga.

ACIRC

ANG

ARIEL F

ARIEL INTON

BUNGA

CATIPAY

GAMBOA

GARCIA

JOANNE GARCIA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

ROGER B

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with