MANILA, Philippines – Narito ang inilatag na traffic re-routing ng MMDA para sa araw ng Sabado.
Nabatid, na ang mga sasakyan mula northern part ng Manila na nais dumaan ng southbound leg ng Bonifacio Drive ay kakanan sa Roberto S. Oca St., kaliwa sa Delgado St., kaliwa sa Bonifacio Drive, kanan sa Soriano Ave. hanggang Magallanes Drive, kanan sa P. Burgos St., diretso sa Lagusnilad tungong Taft Ave.
Ang lahat namang heavy vehicles at cargo trucks ga-ling sa southern Metro Manila ay dumaan sa Osmeña Drive, kanan sa Quirino patungong Nagtahan St.
Para naman sa buses mula Southern Metro Manila na dadaan sa Taft Ave. ay hindi papayagang pumasok mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali. Papayagan silang dumaan sa Quirino.
Ang mga motoristang gustong magtungo sa north o south ng Manila ay dumaan sa may Lacson hanggang Nagtahan o maaaring sa kahabaan ng Road 10 hanggang Roxas Boulevard upang makaiwas sa trapik.
Ang mga motorista naman na galing Quezon City na dadaan sa España Boulevard ay kanan sa P. Campa St., kaliwa sa Andalucia St., kanan sa Fugoso St., kaliwa sa T. Mapua St. patungong destinasyon.
Ang mga behikulo naman na pupunta sa South Pier Zone ay kaliwa sa Nicanor Reyes St., kanan sa Recto, kaliwa sa Reina Regente St., deretso Jones Bridge patungong destinasyon.
Ang mga galing naman Divisoria, na dadaan sa Recto ay kumaliwa na sa T. Alonzo St., kanan sa Fugoso St., kaliwa sa Andalucia St. patungong destinasyon.
Samantala, ang mga galing Legarda, kanan sa Recto o kaliwa sa Mendiola patungong destinasyon.