Apo ni Rizal mag-isang nagkilos-protesta sa Luneta

MANILA, Philippines – May bitbit na placard at mag-isang nagsagawa ng kilos-protesta kahapon ang apo ni Dr. Jose Rizal, makaraan ang isang araw na selebrasyon ng Rizal Day sa Luneta Park.

Giit ng apo ni Rizal na si Isaac Reyes, isang Filipino-Australian national, nagdaos siya ng protesta sa tabi ng monument ni Rizal para kondenahin ang pagtatayo ng Torre De Manila na isa anyang photo bomber na nakakaapekto sa tanawin ng makasaysayang monumento ni Rizal.

Ayon kay Reyes, kung hindi nagpapakita ng malasakit ang ibang opisyal ng bansa, sila na mismong mga kadugo ng pambansang bayani ang kikilos para dito.

Aniya, siya ay nasa blood line o kaapu-apuhan ni Saturnina Rizal Mercado De Hidalgo, ang pina­kamatandang kapatid ni Jose Rizal.

Handa umano siyang magpasailalim sa DNA test dahil wala naman siyang maipakikitang dokumento na siya ay nasa blood line ng bayani.

Ang isyu umano na dapat na resolbahin ay ang pagsasalaula sa pambansang bayani na tinayuan ng Torre De Manila sa background nito.

 

Show comments