^

Metro

LTFRB nagbabala sa mga mananamantalang bus company

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga kompanya ng bus na pagmumultahin sa sandaling mapatunayang nananamantala ng mga pasahero tulad ng pagtaas ng singil sa pasahe.

Ayon kay LTFRB chairman Winston Gines, sakaling mapatunayan nila ang pananamantala ng mga ito ay agad nilang pagmumultahin kahit walang pormal na reklamo laban­ sa kanila.

Aksyon ito ng kagawaran makaraang mapa-ulat ang pa­nanamantala ng ilang bus company sa mga pasaherong gustong makauwi sa kanilang mga probinsiya para doon mag­diwang at salubungin ang kanilang Bagong Taon na sinisingil ng mataas na pasahe.

Sabi ni Gines, hindi na anya kailangang maghain pa ng pormal na reklamo ang mga pasahero basta makita o mapatunayan lang nila sa pamamagitan ng biniling tiket na nagtaas ng singil ang mga ito.

Sabi ni Gines base sa joint administrative order ng kanilang ahensya Land Transportation Office (LTO) at ng DOTC ang common penalty sa nasabing paglabag ay pag­mumultahin ng halagang P5,000 sa unang paglabag.

ACIRC

AKSYON

ANG

AYON

BAGONG TAON

GINES

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MGA

SABI

WINSTON GINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with