2 bangkay ng kelot natagpuan sa Taguig

MANILA, Philippines – Dalawang bangkay ng kalalakihan kabilang ang isang binatilyo ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Taguig City kamakalawa.

Sa report na natanggap ni Senior  Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police, kinilala  ang mga nasawi na sina Hendrik Bibal Bonustro, 15, ng  Purok 5 at Ronald Navarro, 20, ng Malugay St., Parañaque City.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung tama ba ng bala o saksak ang nakitang mga sugat sa katawan ng mga biktima.

Blanko pa rin ang pulisya kung sino ang responsable sa krimen.

Nabatid, na alas-5:00 ng umaga nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ni Bonustro sa MLQ Avenue, Barangay Bagumbayan, Taguig City at  ang bangkay naman ni  Navarro ay natagpuan alas-9:00 ng gabi sa Sampaloc St., malapit sa TUP Compound, Barangay Western Bicutan ng naturang lungsod.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Taguig City Police hinggil sa insidente.

Show comments