^

Metro

700 PUBs binigyan ng special permit para makabiyahe ngayong Pasko

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa 700 na pam­pasaherong bus ang bi­nigyan ng Land Transportation and Franchising Re­­gulatory Board (LTFRB) ng special permit para ma­kabiyahe sa probinsya nga­ong holiday season.

Ayon kay LTFRB chairman Winston Gines, maa­aring madagdagan pa ang mga bibiyaheng bus lalo ngayong mayroon pa silang aaprubahang mga special permit para matulungan ang mga pasaherong duma­dagsa sa mga bus terminal para umuwi sa mga probinsya ngayong Pasko.

Kumpiyansa naman ang LTFRB na bagama’t may mga naantalang mga bus na mga dumadating sa mga terminal bunga na rin ng mga nararanasang trapik sa Metro Manila maging sa mga probisnya ay makakauwi ng maayos ang mga pasahero, bago sumapit ang Pasko.

Dahil sa pagdagsa ng mga pasahero, umabot na sa 6,000 ang mga nagtutu­ngo sa mga bus terminal sa Araneta na karamihan ay patungo sa Visayas Region at Bicol Region.

Inaasahan naman ng pamunuan na lalo pang da­dami ang mga magtutungo sa terminal ng bus dahil sa huling araw na ng pagpasok ng mga kawani sa kanilang mga opisina.

Samantala, upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, sopresang isina­ilalim sa ramdon drug test ang mga driver ng bus sa nasabing terminal.

Layunin anya nito na masigurong walang mga driver ng bus na gumagamit ng iligal na droga na nagmamaneho habang patu­ngo sa mga probinsya.

ACIRC

ANG

BICOL REGION

BUS

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING RE

METRO MANILA

MGA

PASKO

SHY

VISAYAS REGION

WINSTON GINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with