^

Metro

‘Brenda’ tutulungan ng ILAW ng Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tutulungan ng samahang ILAW o Initiatives for Life and Actions of Women ang mga kababaihan at batang dumaranas ng matin­ding depresyon sa buhay.

Ito ang  binigyan diin ni Jerika Ejercito Estrada, anak ni Manila Mayor Joseph Estrada kasabay ng paglulunsad ng proyektong tutulong sa mga biktima ng iba’t ibang pang-aabuso na tinaguriang “Brenda.”

Matapang na inamin ni Jerika na siya mismo ay dumanas noon ng depresyon kasunod ng pagkakatanggal sa puwesto at pagkakakulong ng kanyang ama bilang Pangulo ng bansa. Ang sariling karanasang ito at ang kanyang pagiging ina ang nagtulak sa kanya upang itatag ang ILAW.

Ayon kay Jerika  ngayong siya ay ina na rin, mas nauunawaan niya ang mga hirap at pagtitiis na pinagdaraanan ng isang babae, lalo na ang mga mahihirap na maa­aring walang kakayahan at pangtustos upang maka-access ng kaukulang ayuda upang masolusyunan niya ang depresyon.

Lubos niyang ikinalulungkot ang panghahamak at paggawa ng katatawanan sa mga taong may depression at mental problems na kadalasang tinatawag na “Abnoy” o “Brenda.”

Isa sa pangunahing programa ng ILAW ay ang pagsiguro na ang lahat ng mga police stations at barangay sa Maynila ay mayroong sariling VAWC desk na may tauhan na may sapat na kasanayan at kaalaman.

Sadyang malapit kay Jerika ang isyu ng mental health, katunayan ay nagtayo siya ng sariling foundation o NGO – ang “Be Healed” – apat na taon na ang nakakaraan, na tinatawag na ngayong “I am the Issue.” Ito ay tumutulong hanggang ngayon sa mga kababaihan na dumaranas ng matinding depresyon. Katuwang nito ang National Bureau of Investigation sa pag-asikaso at pag-evaluate sa mga kaso ng kababaihan.

ACIRC

ANG

BE HEALED

BRENDA

ITO

JERIKA

JERIKA EJERCITO ESTRADA

LIFE AND ACTIONS OF WOMEN

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MGA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with