^

Metro

Presyo ng petrolyo, gumalaw

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang rollback noong nakaraang Martes (Disyembre 15, 2015), dagdag-bawas presyo  naman ang ipinatupad ngayong araw na ito ng ilang oil companies sa kanilang mga produkto.

Sa anunsiyo kahapon ng Pilipinas Shell, tumaas ng  P0.10 kada litro ang kanilang gasoline, habang bumaba na­man ang presyo ng kanilang kerosene, na nasa P1.20 kada litro ito at  ang kanilang  diesel o krudo naman ay nasa P1.75 kada litro ang ibinaba, na epektibo ng alas-6:00 ngayong umaga.

Asahang  susunod na ring  mag-aanunsiyo ng dagdag-ba­was sa presyo ng kanilang mga produkto ang iba pang oil companies, na may kahalintulad na halaga.

Ang bagong ipinatupad na dagdag-bawas presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaig­digang pamilihan.

Matatandaan na huling nagpatupad ng malaking rollback ang ilang oil companies ay noong Disyembre 15 ng taong kasalukuyan.

ACIRC

ANG

ASAHANG

COMPANIES

DISYEMBRE

KANILANG

MATAPOS

MATATANDAAN

NBSP

PILIPINAS SHELL

PRESYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with