MANILA, Philippines – Pinalakas pa ng Quezon City government ang proteksiyon para sa mga kababaihan sa lungsod kasama ang United Nations Equity for Gender Equality at Empowerment of Women (UN Women) isang Spanish Agency for International Cooperation and Development laban sa street harassment at sexual violence sa mga pampublikong lugar.
Bunga nito, napagkasunduan nina UN Resident Coordinator to the Philippines Ola Almgren, Spanish Agency for International Cooperation and Development head Juan Pita at QC Mayor Herbert Bautista na palawakin pa ang ipinatutupad na programa na makatitiyak sa kaligtasan at kapakanan ng mga kababaihan sa bansa laluna sa mga taga-lungsod.
Ang pagkakapit bisig ng mga nabanggit ay magsisilbing magandang hakbang para ipagdiwang ang paggunita sa 18-day global campaign para mawakasan ang karahasan sa mga kababaihan.
Sa okasyon, kinilala din nina Almgren at Pita ang QC na isa sa pinaka-progressive cities sa bansa na nagpasa ng mga batas na nangangalaga sa kapakanan sa mga kababaihan. Nangako din ang lokal na pamahalaan na aamiyendahan ang Gender and Development Code na maitaas ang parusa sa mga kaso ng street sexual harassment o violence.
“Quezon City has done its part and is now making sure that programs pursued by the city government for this particular advocacy are institutionalized, what we need are more tangible programs for this advocacy and not just create focal persons,” pahayag ni Bautista.
Itinampok din sa okasyon ang photo exibit, mini bazaar, cultural performance at awarding ceremony para sa mga featured short films and Safe Cities Advocacy Expo, na may temang “Women FreeFrom Fear!”