^

Metro

Kunwari’y namamalimos, yun pala’y mandurukot 187 palaboy, dinampot

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa 187 palaboy  ang pinagdadampot sa gabi-gabing operasyon na isinasagawa ng Makati Anti-Drugs Council (MADAC) sa nabanggit na lungsod.

Inatasan ni Makati City Mayor Romeo “Kid” Peña Jr. si Police Senior Supt. Jaime Santos, chief ng MADAC, na linisin ang lungsod laban sa mga street dwellers, na karamihan dito ay nandudukot at nang-aagaw umano ng mga personal na gamit   sa mga dayuhang nais nilang biktimahin.

Ayon sa MADAC, gabi-gabi aniyang namamalimos sa mga foreigner at mga motorista ang mga street dwellers na nagkalat sa Central Business District (CBD), Barangay Poblacion, Barangay Bel-Air, Barangay San Lorenzo Village, Barangay Pio Del Pilar at EDSA-Ayala Avenue.

Bukod sa panlilimos, may iba pa aniyang  modus ang mga ito, kung saan palilibutan ng mga ito ang ilang dayuhang bibiktimahin at aaliwin at dito nila sasamantalahing dukutan.

Nakarating sa tanggapan ni Peña ang reklamo ng mga residente at mga establisimento hinggil sa mga naglipanang mga street dwellers.

Kaya nga humingi ng ayuda ang naturang alkalde sa MADAC na hulihin ang mga ito base na rin sa koordinasyon nila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nabatid, na simula noong Disyembre 11 hanggang kamakala­lawa ng gabi, ay nasa 187 kabuuang bilang ng mga street dwel­lers ang kanilang nadakip.

ACIRC

ANG

ATILDE

AYALA AVENUE

BARANGAY BEL-AIR

BARANGAY PIO DEL PILAR

BARANGAY POBLACION

BARANGAY SAN LORENZO VILLAGE

CENTRAL BUSINESS DISTRICT

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with