MANILA, Philippines – Patay ang isang tricycle driver makaraang aksidenteng tamaan ng ligaw na bala mula sa mga nagrarambulang grupo ng mga kabataang lalaki sa lungsod Quezon, kamakalawa
Nakilala ang nasawi na si George Ecal, 38, ng Seminary Road, Brgy. Bahay Toro, ng nasabing lungsod.
Isinugod pa ito sa Quezon City General Hospital (QCGH ) pero idineklara ding patay sanhi ng tinamong tama ng bala sa likod ng kanyang ulo.
Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) nangyari ang insidente sa kahabaan ng Fema Road, Brgy . Bahay Toro, dakong alas-6:30 ng umaga, Ayon sa isang Michael Mawirat, kasamahan ng biktima bago ang insidente dalawang grupo umano ng mga kabataan ang nakitang nag- riot sa nasabing lugar.
Ilang sandali pa, nakita na lamang umano ang biktima na duguang nakabulagta sa lugar dahilan para agad nila itong isugod sa nasabing ospital.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.