P75-M halaga ng shabu nasamsam
MANILA, Philippines – Umiskor ang mga operatiba ng PNP-Anti Illegal Drug Group (PNP-AIDG) kasunod ng pagkakasamsam sa P75-M halaga ng illegal na droga habang arestado naman ang dalawa katao sa isinagawang drug bust operation sa Las Piñas City nitong Miyerkules.
Kinilala ni Chief Inspector Roque Merdegia, Spokesman ng PNP –AIDG ang mga nasakoteng suspek na sina Jennifren Saz at Maryrise Butal Dagante.
Ayon kay Merdegia, isinasailalim na sa imbestigasyon ang dalawa kaugnay ng posibleng koneksyon ng mga ito sa big time drug syndicate.
Bandang alas-11 ng umaga nang salakayin ng PNP-AIDG ang isang bahay sa Topman Subdivision sa El Grande Avenue ng lungsod .
Sinabi ni Merdegia na isinagawa ang raid matapos na makatanggap ng report ang mga operatiba ng PNP-AIDG na ginagawa itong drug storage facility.
Narekober sa lugar ang pitong malalaking plastic transparent packs na naglalaman ng droga na tumitimbang ng 13 kilo.
Ang nasabing droga, ayon sa opisyal ay nakuha sa isang kuwarto sa ikalawang palapag ng nasa-bing tahanan. Samantalang arestado naman ang dalawang suspek matapos na ang mga ito ang maabutan sa nasabing raid.
- Latest