MANILA, Philippines – Kilala bilang ‘first major vehicular underpass’ sa Pilipinas at buong Asya, ang Lagusnilad sa harap ng Manila City Hall na paulit-ulit binabaha sa nakaraang 30 taon dahil sa kapabayaan ng mga dating namumuno.
Dahil dito matinding ipinalinis at ipinaayos ni Manila Mayor Joseph Estrada ang drainage system dito at tiniyak ang pagbili ng brand-new pump kaya ngayon ang Lagusnilad ay maaasahang daanan ng mga tao at kalakal.
Iniutos din ni Estrada ang close supervising ng underpass ng Manila City Engineering Office at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para itakda ang 24-hour monitoring nito kaya sa unang accumulation pa lang ng tubig dito ay agad nang matutugunan.
Noong 2014, sa kabila ng sunud-sunod na malakas na ulan ay nakita naman ng publiko na hindi na binaha ang Lagusnilad, ayon sa Alkalde. “Dahil dito ay mas mapapalakas na natin ang produktibidad ng mga tao at komersyo sa lungsod,” sabi ni Estrada.