^

Metro

Lagusnilad underpass hindi na babahain, promise ni Erap

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kilala bilang ‘first major vehicular underpass’ sa Pilipinas at buong Asya, ang Lagusnilad sa harap ng Manila City Hall na paulit-ulit binabaha sa nakaraang 30 taon dahil sa kapabayaan ng mga dating namumuno.

Dahil dito  matinding ipinalinis at ipinaayos ni Manila Mayor Joseph Estrada ang drainage system dito  at tiniyak ang pagbili ng brand-new pump kaya ngayon ang Lagusnilad ay maaasahang daanan ng mga tao at kalakal.

Iniutos din ni Estrada ang close supervising ng underpass ng Manila City Engineering Office at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para itakda ang 24-hour monitoring nito kaya sa unang accumulation pa lang ng tubig dito ay agad nang matutugunan.

Noong 2014, sa kabila ng sunud-sunod na malakas na ulan ay nakita naman ng publiko na hindi na binaha ang Lagusnilad, ayon sa Alkalde. “Dahil dito ay mas mapapalakas na natin ang produktibidad ng mga tao at komersyo sa lungsod,” sabi ni Estrada.

ALKALDE

ANG

ASYA

DAHIL

INIUTOS

KILALA

LAGUSNILAD

MANILA CITY ENGINEERING OFFICE

MANILA CITY HALL

MANILA DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with