^

Metro

Sunog sa San Juan, 100 pamilya nawalan ng tahanan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa 100 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na naganap sa San Juan City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na ang sunog ay nagsimula dakong alas-2:00 ng madaling araw sa residential area sa West Crame sa San Juan City.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga tahanan na pawang gawa lamang sa mga light materials.

Naidiklara lamang na fire out ang sunog matapos ang tatlong oras.

Sa ngayon ay pansamantalang nanunuluyan sa isang chapel na mala­pit sa lugar ang mga na-ging biktima ng sunog.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng mga ari-ariang napinsala sa sunog at kung ano ang pinagmulan nito.

Wala naman naiulat na nasawi sa naganap na sunog pero may nasugatan na hindi na tinukoy ang pangalan.

ACIRC

ANG

BUREAU OF FIRE PROTECTION

INAALAM

MABILIS

MGA

NAIDIKLARA

SAN JUAN CITY

SUNOG

WALA

WEST CRAME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with