Pekeng pulis na ‘tulak’ pa, arestado

Ang sinasabing pekeng pulis na isa ring ‘tulak’ na na­kilalang si Janil Sultan Pithiilan matapos madakip ng mga tauhan ng NCRPO. Boy Santos  

MANILA, Philippines – Naaresto ng operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang pekeng pulis na ‘tulak’ din  ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni NCRPO Re­gional Director Joel D. Pag­dilao ang arestadong suspek na nagpakilalang si 1st Lieutenant Janil Sultan J. Pithiilan ng umano’y In­ter­pol at nakatira sa may Salam Mosque. Brgy. Culiat, Quezon City.

Si Pithiilan ay nakapiit ngayon sa  detention cell ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa, makaraang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165. Comprehensive Drug act of 2002.

Base sa report ni P/Supt. Roberto Razon, dakong alas-9:00 ng umaga nang sorpresahin sa parking lot ng isang mall ang suspek sa isinagawang buy-bust ope­ration ng mga tauhan ng Regional Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (RAIDSOTG) sa pamumuno ni SPO4 Arsenio Caraveo.

Nakumpiska sa bogus na police officer ang P100,000. halaga ng  shabu, glock .45 at mga  tsapa ng Interpol.

Ayon kay Pagdilao, pa­tuloy ang kampanya ng NCRPO laban sa iligal na droga at sa kriminalidad sa buong Metro Manila lalo na ngayong Kapaskuhan.

Show comments