MANILA, Philippines – Tatanggap ng P.3 million premyo mula sa pama halaang lungsod ng Makati ang sinumang magwawagi sa mapipiling pinakagandang gumawa ng Belen.
Ang Belen-making competition ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng pamahalaang lungsod, na pangungunahan ng Museum and Cultural Affairs Office (MCAO).
Bukod sa P300,000.00 premyo, ang mananalong pinakamagandang gumawa ng belen ang siyang ilalagay at magiging dekorasyon sa Makati Park and Garden at old Makati City Hall Building.
Ayon kay Makati City Acting Romulo “Kid” V. Peña, Jr., ang Pasko aniya ay isang pasasalamat sa Poong Maykapal at sabik siyang makasama ang kanyang mga kababayan sa pagdiriwang nito bilang isang alkalde ng lungsod.
Matatandaan, na noong Disyembre 1, 2014, isinagawa ang seremonya nang pagpapailaw ng belen sa ikalawang distrito, sa Makati Park and Garden.
Subalit, bukas, araw ng Biyernes, Disyembre 4 isasagawa naman ito sa unang distrito ng lungsod, sa harapan ng old Makati City Hall building.
Nabatid, na magbibigay ng karagdagang P20,000 sa magwawaging paaralan, bilang magiging pondo ng mga ito para i-promote ang pangangalaga sa kalikasan.