^

Metro

‘Tindahan ni Ate Joy’, aarangkada uli

Angie­ dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aarangkadang muli sa November 26 araw ng Huwebes ang ‘Tindahan ni Ate Joy Project-Part 3’ na pinangangasiwaan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na laan para sa mga single parent  upang mapaunlad ang  kabuhayan ng kani-kanilang pamilya.

Sa ilalim ng programang ito, may P10,000 halaga ng sari- sari store items ang ipinagkakaloob ni Belmonte sa bawat single­ parent na maaaring pagsimulan ng hanapbuhay na maliit na tindahan.

Ngayong Nobyembre, kapapalooban ng may 190 single parent ang benepisyaryo ng part 3 ng naturang proyekto.

Ang bahagi ng puhunan na ipagkakaloob sa part 3 project beneficiaries ay mula naman sa kita ng mga ‘Tindahan ni Ate Joy’ Part 2 at Part 1 beneficiaries.

Bago masakop ng programa, ang bawat single parent  ay sinasailalim sa interview, orientation at iba pa at dapat itong Philhealth members.

“Marami na sa kanila ang umuunlad at napapagyaman ang kanilang tindahan, mayroon na sa kanila ang nagtayo ng karin­deria dahil sa kinita sa kanilang tindahan kayat ang progra­mang ito ay patuloy po nating gagawin para matulungan nating umunlad ang mga single parent ” pahayag pa ni Belmonte.

Sa ngayon may 600 member beneficiaries na ang ‘Tindahan­ ni Ate Joy’ mula nang umpisahan noong nakaraang taon.

AARANGKADANG

ACIRC

ANG

ATE JOY

ATE JOY PROJECT-PART

BELMONTE

HUWEBES

MARAMI

NGAYONG NOBYEMBRE

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

TINDAHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with