^

Metro

EDSA-Bonifacio Circle isasara sa trapiko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maagang pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ang Ca­loocan ang mga motorista sa isasagawang pagsasara sa trapiko sa EDSA-Monumento sa Nobyembre 30 sa selebrasyon ng ika-152 kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio.

Sinabi ni Mayor Oscar Malapitan na isasara sa trapiko ang lahat ng lane ng Bonifacio-EDSA mula alas-12:01 ng madaling araw ng Nobyembre 30 hanggang alas-12:01 ng Disyembre 1.

Ito ay upang bigyang daan ang mga programang inilaan ng pamahalaang lungsod sa komemorasyon ng kaarawan ng baya­ning si Bonifacio na lider ng Katipunan at nanguna sa pag-aalsa laban sa mga Kastila.

Kasunod nito, isasagawa rin ang “ceremonial Christmas lights at Christmas tree switching at fireworks display” para sa pagsa­lubong sa Kapaskuhan.

Inabisuhan ng pamahalaang lungsod ang mga motorista sa isasagawang traffic rerouting na mamanduhan ng mga tauhan ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM).

May libre namang konsyerto na inihanda ang Cultural Affairs and Tourism Office (CATO) para sa mga residente sa Bonifacio Monument Circle (BMC).

ACIRC

ANDRES BONIFACIO

ANG

BONIFACIO

BONIFACIO MONUMENT CIRCLE

CULTURAL AFFAIRS AND TOURISM OFFICE

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

DISYEMBRE

INABISUHAN

MAYOR OSCAR MALAPITAN

NOBYEMBRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with