Trabaho sa mga PWDs sa Makati City hall
MANILA, Philippines – Magandang balita para sa mga may kapansanan o persons with disability (PWDs) dahil may pagkakataon nang makapagtrabaho ang mga ito sa Makati City Hall.
Kaalinsunod na rin ito sa desisyon ni Makati City Ac-ting Mayor Romulo “Kid” Peña Jr., na bigyan ng oportunidad ang mga PWDs na makapagtrabaho sa City Hall.
Hindi umano hadlang ang kapansanan ng mga ito sa pagtataguyod ng kanilang kinabuksan sa pamamagitan aniya nang maayos na pagtatrabaho at bukas ang city hall para bigyan sila ng pagkakataon.
Ayon kay city information officer Gibo Delos Reyes, mayroon ng 25 newly-hired PWDs sa City Hall. Kabilang dito ang pitong casual emplo-yees at labing walong under job orders.
Ang mga bagong hired ay siyang inatasang magsusulong ng mga advocacy works na nagtataguyod ng karapatan ng mga PWDs na nakapaloob sa ilalim ng Magna Carta for Disabled Persons or Republic Act 9442.
Labis naman ikinagalak ng grupo ng PWDs sa pangu-nguna ni Makati PWD Federation president Errol Barba ang naging hakbangin ni Peña, na isa umanong pagpapakita ng pantay na pagtrato nito sa mga PWDs.
“Nagpapasalamat ka-ming lahat sa aming hanay sa napakagandang oportunidad na ipinagkaloob ni Mayor Peña. Dahil sa kanya, magiging masaya ang Noche Buena ng aming mga pamilya. Higit sa lahat, ramdam namin ang aming halaga sa komunidad, kahit kami’y may kapansanan,” ayon kay Barba.
- Latest