^

Metro

Ika-6 taon ng Maguindanao massacre gugunitain

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magsasagawa ngayong umaga ng pagkilos ang mga miyembro ng National Press Club (NPC) bilang pagkondena sa patuloy na kawalan ng hustisya sa mga biktima ng  Maguinda­nao massacre noong 2009.

Nabatid na pangungunahan nina NPC President  Joel Egco, NPC Vice President Benny Antiporda, ang  kilos protesta ngayon alas-9 ng umaga para sa ika-6 na taong anibersaryo ng  karumal-dumal na pamamaslang  sa 32 miyembro ng media.

Magsisimulang magtipon ang mga mamahayag sa NPC bago magmamartsa patungo sa Mendiola.

Magkakaroon ng pagsusunog sa effigy ni Pangulong Benigno Aquino III at ang backhoe na ginamit sa pagpaslang sa mga mamahayag noong Nobyembre 23,2009 sa Maguindanao.

Kinondena ni Antiporda ang kawalan ng hustisya para sa napaslang na mga mamahayag dahil anim na taon na ang nakalilipas ay hindi  pa rin napaparusahan ang mga nasa likod ng massacre.

ACIRC

ANG

ANTIPORDA

BENIGNO AQUINO

JOEL EGCO

KINONDENA

MAGKAKAROON

MAGSASAGAWA

NATIONAL PRESS CLUB

NBSP

VICE PRESIDENT BENNY ANTIPORDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with