^

Metro

Dagdag na 600 traffic enforcers, ikinalat sa Makati

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniutos ni Makati City Acting­ Mayor Romulo “Kid” Peña Jr. sa Public Safety De­partment (PSD) na mag-de­ploy ng karagdagang 600 traffic enforcers para sa augmentation at bahagi na rin ng mahigpit na seguridad na pinatutupad ng lungsod  nga­yong Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.

“Being the country’s finan­cial center, Makati plays an important role in ensuring the overall success of the APEC Summit. We have the res­pected business leaders of Makati who will surely make significant contributions to the formulation of sound economic policies and strategies for the regional economic integration. For its part, the city government has put in place adequate measures to ensure the safety of the delegates, especially those who are billeted in Makati’s hotels,” ani Peña.

Nabatid sa alkalde, na ang 600 traffic enforcers­ ay bilang karagdagan para magmantina ng daloy ng trapiko at tu­mulong sa pagbibigay na seguridad sa mga delegado ng APEC na dadaan sa ruta ng Makati.

Kung saan kasama ang pamahalaang lungsod na du­malo sa mga pagpupulong para sa isinagawang preparasyon ng pamahalaan na may kaugnayan sa security at traffic measures.

Dahil ang ibang mga de­legado ng APEC ay tutuloy sa ilang hotels na nasa huris­diksiyon ng lungsod ng Makati­.

Nabatid na buong araw ay sarado ang mga daan sa unang distrito sa Makati na simula kahapon hanggang Nobyembre 19 sa West Street, North Street at  Parkway Drive (pagitan ng Makati Avenue at  Ayala Avenue) sa area ng Glorietta.

ACIRC

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

ATILDE

AYALA AVENUE

MAKATI

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY ACTING

MAYOR ROMULO

NABATID

NORTH STREET

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with