^

Metro

‘Kotong cop’ huli sa entrapment

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kulungan ang bagsak ng isang pulis Valenzuela maka­raang maaresto ng mga tropa ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang entrapment operation hingil sa reklamong pangongotong sa isang security guard sa lungsod, iniulat kahapon.

Nakilala ang naarestong suspect na si PO3 Gerry Pa­jares, 44, nakatalaga sa Warrant Section ng Valenzuela City Police Station at naninirahan sa Block 15, Lot 11, Section 15, Phase 2 Pabany Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon sa ulat, ang suspect ay inaresto bunga ng reklamo ng isang Bernardo Altes, 40, ng Maysan Road Valenzuela City.

Ayon kay Chief/Insp. Nino Briones, hepe ng CIDG, ang entrapment operation ay ginawa makaraang pormal na dumulog sa kanilang tanggapan si Altes upang humingi ng tulong kaugnay sa umano’y reklamong pangongotong ng suspect.

Base sa reklamo ng biktima, nag-ugat ang insidente makaraang hingan umano siya ni PO3 Pajares ng halagang P5,000.00 matapos na ipabatid sa kanya nito na mayroon siyang warrant of arrest.

Sabi ni SPO4 Bricio Co­lan­ding ng CIDG, aminado umano ang biktima na mayroong reklamo sa kanya na kasong act of lasciviousness na isinampa ng hindi na nito pinangalanang complainant, ilang buwan na ang nakakalipas pero ang alam nito ay hindi na anya ito itinuloy pa ng huli.

Kaya naman sa takot ng biktima na makulong ay nagbigay na ito ng halagang hinihingi.

Subalit matapos nito ay muli umanong nag text kay Altes si PO3 Pajares nitong Nov. 15, 2015 at humingi muli ng dagdag na P2,600.00 para umano sa pag-aayos naman sa kanyang warrant of arrest.

Sa puntong ito, nakaha­lata na ang biktima dahilan para humingi na ito ng tulong sa nasabing tanggapan kung saan inihanda ang entrapment operation na dito nadakip ang pulis.

ACIRC

ANG

AYON

BERNARDO ALTES

BRICIO CO

GERRY PA

MAYSAN ROAD VALENZUELA CITY

NINO BRIONES

PABANY MUZON

PAJARES

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with