Criminology student sugatan sa PSG

Sa imbestigasyon, sinabi ng biktima kay SPO2 Oliver Balingit ng Manila Police District-station 4, naganap ang insidente dakong alas 11:10 ng gabi sa panulukan ng Jhocson at Lar­dizabal sts., Sampaloc, Maynila. Philstar/File

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang criminology student nang barilin ng isang diumano’y lasing na miyembro ng Presidential Security Group (PSG) habang nakikipagkuwentuhan sa kanyang kaibigan, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Ospital ng Sampaloc dahil sa balang tinamo sa tiyan ang biktimang si Sajid Sadilawan, 28, ng Unit A-3 2551 Macaraeg Building,  Legarda St. Sampaloc, Maynila. Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na nagngangalan umanong Michael Zinggapan.

Sa imbestigasyon, sinabi ng biktima kay SPO2 Oliver Balingit ng Manila Police District-station 4, naganap ang insidente dakong alas 11:10 ng gabi sa panulukan ng Jhocson at Lar­dizabal sts., Sampaloc, Maynila.

Nakatayo at nakikipagkuwentuhan  ang biktima sa isang kaibigan nang dumating ang suspek at sinita siya.

Amoy alak umano ang suspek nang siya ay komprontahin sa hindi batid na dahilan at pinaputukan siya bago sumakay ng motorsiklo. Makikipag-ugnayan ang pulisya sa pamunuan ng PSG upang matunton kung saan matatagpuan ang suspek.

Show comments