^

Metro

Matinding trapik nagsimula na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Habang palapit nang palapit ang pagpupulong ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) matinding trapik ang naranasan kahapon ng mga motorista dahil sarado na ang ilang pangunahing lansangan sa Kalak­hang Maynila lalu na ang mga lanes na dadaanan ng mga delegado.

Sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metro Base, mula South Luzon Expressway (SLEX) tollgate  patungong  Magallanes sa Makati City hanggang Pasay City South at North bound lanes ay bumper to bumper ang trapik.

Gayundin mula Ayala-EDSA hanggang Mall Of Asia (MOA)  at Roxas Boulevard (Southbound lanes) at ang ilang bahagi ng South Super Highway at Gil Puyat Avenue.

Nabatid, na hinarangan o nilagyan  ng MMDA ng mga plastic barriers ang kalahating lanes ng South at Northbound lanes ang kahabaan ng EDSA (mula Makati hanggang Pasay City).

Isang lane lamang ang nagagamit ng mga motorista, dahilan upang sumikip ang daloy ng trapiko dito.

Lalung sumikip ang daloy ng trapiko sa Kahabaan ng South Super Highway, Northbound lane patungong Pasay at Maynila, dahil nadagdagan ito sa mga naglalakihang truck.

Bilang bahagi pa rin ng pagpapatupad ng mahigpit na seguridad, naka-deploy ang maraming kapulisan sa nabanggit na mga lugar.

ANG

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

GIL PUYAT AVENUE

MAKATI CITY

MALL OF ASIA

MAYNILA

METRO BASE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

NBSP

SOUTH SUPER HIGHWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with