MANILA, Philippines – Isang fashion designer ang natagpuang patay habang nakabigti sa kisa-me sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Talipapa lungsod Quezon, kahapon
Ayon kay PO3 Butch Guerrero ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Group (QCPD-CIDU) nakilala ang nasawi na si Lo-rence Tan, 32 , ng Nawasa Road, corner Mindanao Avenue, Brgy. Talipapa sa lungsod.
Sa inisyal na ulat, ang biktima ay nadiskubre ng kanyang kasama sa bahay na si Danny Constantino makaraang puntahan siya nito para gisingin at ayain umanong mag-almusal ganap na alas-8 ng umaga.
Sabi ni Constantino, nagtaka siya nang hindi sumasagot ang biktima sa kabila ng paulit-ulit na pagkatok na kanyang ginawa sa pinto ng kuwarto nito.
Dahil dito, ipinasya na niyang sumilip sa bintana na bahagyang nakabukas kung saan niya nakita ang biktima na nakabigti sa kisame gamit ang nylon cord.
Agad na ipinagbigay alam ni Constantino ang insidente sa barangay na siya namang tumawag ng otoridad para sa imbestigasyon.
Inaalam pa ng CIDU ang motibo ng pagpapakamatay ng biktima. Habang masusing pagsisiyasat pa rin ang isinasagawa sa insidente.