Ayon sa kampo ni Peña Rep. Binay, ‘nagda-drama’
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng kampo ni Makati City Acting Mayor Romulo Kid Peña, Jr., kasabay nang pagsasabing hindi nila papayagang sirain ang kanilang kampanya sa “Bagong Makati”, transparent at good governance sa umano’y kadramahang ginagawa ni 2nd District Congresswoman Mar-Len Abigail Binay-Campos, matapos nitong ipahayag na ipinasara umano ng Makati City Hall ang kanyang tanggapan para ipagamit sa acting vice mayor ng lungsod.
Ayon sa pahayag ni Gibo Delos Reyes, acting chief ng Information and Community Relations Department (ICRD) ng Makati City Hall, madrama aniya ang naging alegasyon ni Binay hinggil na inutos umano ni Peña ang pagpapasara sa kanyang opisina sa city hall.
“It is a baseless accusation and we ask Congresswoman Binay to spare us of such dramatics. The people of Makati know who has really done the bullying,” pahayag ni Delos Reyes.
Sinabi nito, na pawang kasinungalingan ang naging akusasyon ni Binay laban kay Peña.
Apparently, they still have not gotten used to the reversal of roles at City Hall. But unlike them, Acting Mayor Peña has not shown the kind of vindictiveness he had suffered at their hands when he was vice mayor and the lone member of the opposition in the city government,” dagdag pa ni Delos Reyes.
Binanggit pa nito ang umano’y ginagawang panggigipit at pambu-bully ng nakaraang administrasyon ng mga Binay laban kay Peña ng vice mayor, na ito ay bukas na libro sa mga taga Makati at sa mga kawani ng city hall.
Sa naranasan aniya ni Peña hinggil sa lahat ng uri nang panggigipit mula sa hanay ng mga Binay at alam aniya nito na kung gaano kahirap ito sa kalooban, kung kaya’t hindi kailanman nito tutularan ang ginawa ng nakaraang administrasyon, na kilala sa paninikil at panggigipit.
Ayon pa kay Delos Reyes, “bitter” aniya si Congresswoman Binay sa desperadong hakbangin at pahayag nito laban kay Peña. Dahil ang katotohanan aniya, mismo ito ang kusang umalis at naghakot ng kanyang mga gamit at walang kautusan si Peña na pinapasara ang tanggapan nito sa city hall.
- Latest