Van sumalpok sa trailer truck, chef todas

Pinagtutulungan ng rescue team na mailabas ang biktimang si Russel Ombrog na namatay matapos na sumalpok ang van nito sa  isang trailer truck. Bening Batuigas

MANILA, Philippines – Patay ang isang chef  ha­bang nasa kritikal na kon­dis­yon ang tatlong kasamahan nito matapos sumalpok ang sinasakyan nilang van  sa isang nakaparadang 22-wheeler truck kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Russel Ombrog­, 21, nakatira sa Concorde Village Parañaque City ma­tapos itong magtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Ginagamot naman sa na­­banggit pa ring ospital  sina Randy Ampuan, 27, may asawa, isang ring chef,  nakatira sa #69 St., Pildera II, Pasay City; Janet Pajarillo, 33, may asawa, residente ng Dimo Compound 200, Taguig City at Rommel Ho­rario 24, binata isang bus boy, nakatira naman sa #647 CRM Goodyear  Park, Brgy. BF, Parañaque City, nagtamo rin ang mga ito ng matinding pinsala sa ka­nilang katawan.

Lumalabas  sa imbes­ti­gas­yon ni PO3 Mark Jun Dialde Anaviso, ng Pasay City Traffic Bureau na naganap ang insidente alas-4:30 ng madaling-araw sa South bound lane ng kahabaan ng Roxas Boulevard ng natu­rang lungsod.

Galing sa isang catering services ang mga biktima kung saan minamaneho ni Ombrog ang isang Mitsubishi Adventure van, na may plakang WPV-493 at sakay rin nito ang kanyang mga kasamahang sina Ampuan, Pajarillo at Horario.

Nabatid, na nag-overtake si Ombrog sa isang sa­­sakyan na nasa unahan nito at dahil madilim ay hindi nito napansin ang isang na­­ka­parada at sirang 22- wheeler truck na may pla­kang WQW-137 hanggang sa sumalpok ito.

Matapos sumalpok ang sasakyan ng mga biktima, binangga pa ang hulihan ng kanilang sasakyan ng isang Aluminum van, na may pla­kang  XDE-983.

Dahilan upang kaagad na dalhin ng nagrespondeng rescue team ang mga biktima sa nasabing ospital, su­balit si Ombrog ay hindi na nakarating ng buhay.

Show comments