Droga taya sa sugal: 5 kalaboso

MANILA, Philippines – Lima katao ang inaresto ng mga awtoridad habang nagsusugal ng cara y cruz na ang taya ay droga sa Pasig City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni EPD director Chief Supt. Elmer Jamias ang mga nadakip na sina Mhel Sotto; Niko Martinez; Rodel Mayor, Mary Jane Arenas at Jhun Pitarte, pawang residente ng East Bank Road, Floodway, Brgy. Sta Lucia, Pasig City.

Sa ulat na pulisya, dakong alas-9:00 ng umaga ay isang concern citizen ang nagsumbong sa himpilan ng pulisya hingil sa pagsusugal ng lima na ang taya ay droga sa Brgy. Sta. Lucia sa lungsod.

Agad namang nagres­ponde ang mga awtoridad at nakorner ang mga ito.

Nabawi mula sa mga suspek ang nasa limang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Show comments