Malaysian national, 1 pa huli sa drug-bust

MANILA, Philippines – Isang Malaysian national at kasama nitong Pinoy ang inaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Station-Anti-Illegal Drugs Special Ope­ration Task Group (SAIDSOTG) sa Marikina City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Vincent Calanoga, chief of police ng Marikina ang suspek na si Thevan Elamlathir, 21, tubong Blk-G Pangsapuri Seri Matahari Kuala Lumpur, Malaysia at ang Pinoy na kasama nito na sina Alvin Nacario, 30 Marikina Heights sa lungsod.

Dakong alas-7:00 umaga nang isagawa ang buy-bust operation sa mga suspek sa St. Marcelin Champagnat St., Marikina. Unang nakuha kay Elamlathir, ang tatlong transparent plastic sachet na naglalaman ng droga na may 5 gramo bawat isang sachet at nakuha rin kay Nacario ang iba pang plastic ng shabu.

Dalawang linggong surveillance ang ginawa ng mga pulis para siguruhin na mahuhuli nila ang dalawang suspek. Nakulong ngayon ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA-9165 o Dangerous Drugs Act of 2001.

Show comments